Unorthodoxy
In this intimate short film, Tacurong City’s homegrown poet and multi-disciplinary artist shares his journey to finding a voice that truly captures and expresses his individuality and artistry.
Hindi ako ganyan magsalita
Gerald Castillo Galindez (G!K)
Hindi bahaghari ang nagalabas sa bunganga
Wala akong magawa
kung magtaas ang balahibo sa leeg
Sa mga hindi pinong patinig
Sa magagaspang na katinig
Na ayon sayo ay hindi katanggap tanggap
Hindi malalim ang balor ng salita
Wala naplastar ang dila
Para sa malulutong na tunog
Nagtigas na ang paso
Hindi mo kayang hulmahin
Naging bato na ang lava
Walang bango ang tridax
Pero hindi mo kayang patayin
Magtubo at magtubo pa rin
Mag-ukrad at mag-ukrad pa rin
Kahit tapak tapakan mo
Kahit bunutin mo
Mas lalo lang magdami ang galabas sa bunganga
Isang bukal ng tubig ng kanal
Labo-labo, sagol-sagol
Mabaho, madumi, malamok, ma-uod
Maitim, malumot
Puno ng buhay
Ganyan ako magsalita



